Dumagsa ang mga operator at driver ng Uber sa tanggapan ng Grab at U-Hop.
Ito’y makaraang payagan ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na saluhin ng dalawang nabanggit na TNVS o Transport Network Vehicles Services ang mga apektado ng suspensiyon ng Uber.
Dahil dito, bahagyang nakakahinga nang maluwag ang mga driver at operator nang mabalitaang puwede na silang mamasada muli habang hindi pa naaayos ang problema ng Uber.
Ayon sa LTFRB, lahat ng mga accredited Uber drivers at operators ay makukupkop na ng Grab.
Maging ang u-Hop ay nag-aampon na rin ng Uber drivers pero manghihingi na sila ng komisyon pagkatapos ng isang buwan.
By Gilbert Perdez