Dapat panatilihin ng Uber sa Pilipinas ang kanilang mga driver at mobile application habang nagsasagawa ng review ang Philippine Competition Commission sa acquisition deal sa Grab.
Ito, ayon kay P.C.C. Commissioner Stella Quimbo, ay upang maiwasan ang posibleng pagtaas ng singil ng Grab at pagbaba ng kalidad ng transport service sector.
Maaari anyang patawan ang Grab at Uber ng 50,000 hanggang 2 Million Pesos sa oras na hindi tumalima sa kautusan.
Gayunman, tiniyak ni Quimbo na puspusan na ang kanilang pag-re-review sa acquisition ng Grab sa South-East Asia operations ng Uber.