Hinarang ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang operasyon ng bagong serbisyong gumagamit ng motorsiklo o tinawag na UberMOTO.
Ayon sa LTFRB, walang pasabi sa kanila ang naturang transport network company at tanging sa mga pahayagan lamang nila nakita na ilulunsad na ang nasabing serbisyo.
Sinabi pa ng LTFRB na hindi dapat ituloy ang naturang serbisyo dahil mapanganib ito para sa mga mananakay.
Nakatakda sanang ilunsad ang UberMOTO sa Cebu sa Lunes, Mayo 15.
Hinarang din ahensya ang uberxl na isa pang serbisyo ng uber na nagaalok ng mas malaking sasakyan para sa mas maraming pasahero.
By Rianne Briones