Kinumpirma ng Transport Network Vehicle Service o TNVS na Uber Philippines na kabilang ang personal information ng Filipino users sa napaulat na data breach sa 50 milyong user at driver sa buong mundo.
Gayunman, nabigo ang Uber na bigyan ang National Privacy Commission o NPC ng karagdagang impormasyon hinggil sa data breach.
Ayon sa NPC, dalawang indibidwal ang nag – access nang walang pahintulot sa user data na naka – store sa isang third party cloud – based service na ginagamit ng Uber.
Hindi na nagta – trabaho sa nabanggit na TNVS ang dalawang empleyadong responsable sa data breach.
Na – kompromiso ang mga datos na kinabibilangan ng mga pangalan at lisensya ng tinatayang 600,000 mga drayber sa Estados Unidos at ilang personal information ng 57 milyong Uber users sa buong mundo kabilang na ang mga Pinoy.