Pinagbawalan muna ng LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang Uber na maningil ng surcharge.
Ito’y matapos malaman ng LTFRB na may idinadagdag na surcharge ang Uber sa mga pasahero lalo na sa mga naghahatid sa malalayong lugar.
Dahil dito hindi naiwasan ng LTFRB na ihalintulad sa mga taxi ang ginagawa ng Uber.
Ayon naman sa Uber mahirap aniya na kumuha ng magbo-book sa ilang lugar.
May sampung araw naman na ibinigay ang LTFRB para pagpaliwanagin ang Uber kaugnay sa komputasyon at sistema ng kanilang surcharge.