190 million pesos.
Ito ang kailangang bayarang multa ng Uber ayon sa LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board para tanggalin ng ahensya ang suspension dito.
Sinabi ng LTFRB na kailangan ding magbayad ng Uber ng halos 20 million pesos sa mga apektadong driver nito matapos ang ikinasang suspensyon ng ahensya.
Nilinaw ni LTFRB Board Member Atty. Aileen Lizada na uubrang bayaran ng Uber ang multa nito para makapag-operate muli o tapusin ang isang buwang suspensyon sa kanila.
Magugunitang nag alok ng 10 milyong piso ang Uber para alisin ng LTFRB ang suspensyon laban sa kanila.
By Judith Larino
SMW: RPE