Nagbabala ang LTFRB o Land Transportation Franchising and Regulatory Board na posibleng maharap sa mas mabigat na parusa ang transport network company na Uber.
Ito’y makaraang muling magpatuloy sa kanilang operasyon ang Uber online matapos silang maghain ng motion for reconsideration kontra sa suspension order na ipinataw sa kanila.
Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, dapat munang hintayin ng Uber ang magiging resulta ng kanilang isasagawang deliberasyon hinggil sa nasabing apela.
Multang hindi bababa sa P120,000.00 at impound ng sasakyan ang maaaring ipataw sa Uber units na mahuhuling pumapasada sa kabila ng suspensyon sa kanila.