Kinasuhan ng transport group na KAPIT o Kilusan sa Pagbabago sa Industriya ng Transportasyon ang Uber Philippines Incorporated.
Ito’y ayon kay Atty. Vigor Mendoza, tagapamuno ng grupo ay dahil sa patuloy na pagsuway ng Uber sa pamahalaan dahil sa pagpayag nitong pumasada ang mga kolorum o walang prangkisang mga sasakyan.
Kasong paglabag sa Commonwealth Act Number 146 o Public Service Law ang inihain ng grupo sa Quezon City Prosecutor’s Office laban sa mahigit 53,000 mula sa kabuuang 74,000 mga accredited partners ng Uber.
Giit ni Mendoza, bagama’t maganda ang layunin ng Uber na makapaghatid ng serbisyo sa publiko, mayroong batas na dapat sundin upang maging patas para sa mga mananakay.
By Jaymark Dagala