Umapela ang United Broilers Raisers Association (UBRA) para sa maayos na plano at sistema ng gobyerno sa pagtugon sa banta ng Avian Flu matapos makaranas ang bansa ng kumakalat na African Swine Fever (ASF).
Sinabi ni UBRA President Inciong David na wala pa ring inilalatag na plano ang Department of Agriculture (DA) hinggil dito bagkus tuloy tuloy pa rin ang pag-aangkat ng manok kung hindi mapipigilan ang importasyon.
Dagdag ni David na patunay umano ito na hindi sineseryoso ng gobyerno ang naturang problema.
Aniya, dapat tiyakin ng gobyerno ang ayuda para sa mga lokal na magmamanok at kailangan ligtas ang mga manok na maiaangkat.
Hiniling din ni david na paigtingin ang ginagawang inspeksiyon.