Ubrang maghain ang Pilipinas ng panibagong kaso sa Permanent Court of Arbitration laban sa China.
Ito, ayon kay Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, ay kung nanaisin ng gobyerno na makatanggap ng monetary damages sa China bunsod na rin ng idinulot nito sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Carpio na hindi naman ito kasama sa unang kaso na inihain ng Pilipinas sa Arbitral Tribunal kaya maaaring maghain ng panibagong arbitral case.
Bukod dito, isinusulong din ni Carpio na ideklara ang Spratly Islands bilang marine protected area na naglalayong maiwasan ang anito’y environment degradation sa West Philippine Sea.
By: Meann Tanbio