Sinimulan nang ipamahagi ng Department of Social Welfare and Development ang Unconditional Cash Transfer program sa mga mahihirap na senior citizen.
Ito ay bahagi ng hakbang ng gobyerno upang mabawasan ang bigat na epekto sa mahihirap ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon kay DSWD Acting Secretary Virginio Orogo, tinatayang mahigit tatlong milyong senior citizens ang inaasahang makakatanggap ng nasabing benepisyo.