Umalma ang Udenna Group ni Davao Based Businessman Dennis Uy sa kumalat sa social media na may kinalaman ito sa broadcast company na umano’y interesadong saluhin ang frequencies ng ABS-CBN.
Ayon kay Raymond Zorilla, spokesperson ng Udenna Group hindi totoo ang lumutang na report at wala silang kinalaman sa Dragon Broadcasting Corporation na umano’y pagaari ni Uy at siyang makakakuha ng frequencies ng Kapamilya network.
Sinabi ni Zorilla na bagama’t mayruong communications media and entertainment holdings corporation ang Udenna hindi nila priority ang broadcasting.
Ang Udenna ay nasa negosyo ng oil, gas at retail shipping at logistics, education, food, gaming at tourism, property development and management at infrastructure development.