Inaasahang maglalabas ng abiso ngayong Lunes ang pamunuan ng University of the East-Recto kung kailan maaaring makapasok ang mga estudyante lalo na ang mga nagtatanong patungkol sa summer classes at senior high school.
Sa ngayon kasi, sarado sa mga estudyante at non-employees ang UE Recto kasunod ng nangyaring sunog na tumupok sa tatlong gusali nito noong Sabado.
Kasalukuyan ding inaalam ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang posibilidad na nagsimula ang apoy sa College of Arts and Sciences building kung saan mayroong renovation.
Nadamay sa sunog ang katabing engineering building at chapel ng unibersidad.
By Meann Tanbio