Nauwi sa rambol ng British at Russian Football fans ang opening game ng England at Russia sa UEFA Euro 2016 sa Marseille, France.
Tatlumpu’t lima ang sugatan kabilang ang isang Briton na nasa kritikal na kondisyon matapos hatawin ng tubo sa ulo ng isang Russian.
Ayon sa French Police, pawang lango sa alak ang mga Ruso nang manood ng football match ng England at Russia na nauwi sa tabla o sa score na 1-1 sa group b, sa Stade Veladrome.
Tinatayang Isandaang Ruso ang nasangkot sa gulo na agad kumalat sa venue dahilan upang madamay ang ibang manonood na tinamaan ng mga lumilipad na bote at upuan.
Ito na ang isa sa pinaka-magulong football game sa UEFA ngayong taon.
By: Drew Nacino