Opisyal nang inihayag ni Ultimate fighting Championship (UFC) Middleweight World Champion, Luke Rockhold ang kanyang pagreretiro sa mundo ng mixed martial arts.
Aminado ang 37 anyos na mixed martial artist na hirap na siya sa pakikpaglaban dahil sa kanyang edad.
Magugunita na noon lamang nakaraang linggo ay napatumba ito ni Paulo Costa sa UFC 2-78.
Samantala, mababatid na sa kaniyang buong karera ay mayroong career stat na 16 wins at 6 loses si Rockhold.