Napatay ng mga Ugandan soldiers ang nasa halos 200 al-Shabab fighters matapos lusubin ang kuta ng mga ito sa Somalia.
Ayon sa ulat, ang Ugandan troops ay bahagi ng African Union peacekeeping mission in Somalia o AMISOM na naglalayong sugpuin ang grupong konektado sa al-Qaeda sa naturang bansa.
Sa statement naman ng Ugandan People’s Defense Force (UPDF), nilusob nila ang ilang village malapit sa Mogadishu dahilan upang mapatay nila ang 189 na mga rebelde.