Naniniwala naman si Senador Manny Pacquiao na kailangan ng leadership at political will upang puksain ang katiwalian.
Ayon kay Pacquiao, nais niyang makitang nakakulong ang mga magnanakaw sa gobyerno upang hindi na pamarisan ng iba.
Sa panig ni Vice President Leni Robredo, ang katiwalian anya ay kombinasyon ng kahinaan sa sistema at mga taong nasa gobyerno.
Para kay dating Presidential Spokesman Ernesto Abella, dapat makibahagi ang mga mamamayan sa pamamalakad sa Local Government Unit.
Inihayag naman ni Faisal Mangondato talamak na ang korapsyon sa lahat ng ahensya ng gobyerno.
Samantala, kumbinsido si Dr. Jose Montemayor na kahit anong ganda ng sistema ng gobyerno, hindi pa rin mawawala ang problema kung ang ugali ng mga tao ay tiwali.