Sumalang na sa ikalawang bugso ng Pilipinas Presidential Debates ng Comelec ang mga presidentiable.
Unang tinanong sa mga kandidato kung ang korapsyon ay dulot ng kahinaan ng tao o kahinaan ng sistema.
Iginiit ni Labor Leader Leody De Guzman na dapat isulong ang radikal na reporma sa political at electoral system ng bansa laban sa katiwalian.
Para kay Manila City Mayor Isko Moreno, kailangan ng modernong teknolohiya upang malimitahan ang “human interaction sa government transactions”.
Nananawagan naman si dating Defense Secretary Norberto Gonzales ng pagbabago sa sistema ng gobyerno.
Bilang isang dating PNP Chief, naniniwala si Senador Ping Lacson na kailangan ang mahigpit na pagpapatupad ng batas.