Tagumpay na naibalik ng mga doktor ang ugat sa braso nang naaksidenteng babae sa Metro Rail Transit o MRT Ayala Station kahapon.
Ipinabatid ito ni Department of Transportation o DOTr Undersecretary Cesar Chavez kasunod nang pagsalang sa operasyon ni Angeline Fernando sa Makati Medical Center.
Ayon pa kay Chavez hanggang sa Biyernes ay under observation pa si Fernando na nag-iisang anak at breadwinner ng pamilya nito ay isang senior quality engineer sa isang information technology company na nakabase sa Makati City.
Sinabi pa sa DWIZ ni Chavez na nakausap niya ang pamilya ni Fernando na low blood ang 24-anyos na dalaga bagamat inaalam pa ng mga doktor ang dahilan nang pagkakahimatay nito.
“Si Angeline kapag nagsisimba may mga pangyayari na lumalabas siya sapagkat nahihirapan siyang huminga kapag maraming crowd, mayroon na ring insidente na sabi ng mga kaibigan niya na nakausap ko sa harap ng kanyang mga magulang na namutla rin ito at almost mahimatay sa Greenbelt kapag maraming tao, low blood yung sinabing dahilan.” Pahayag ni Chavez
(Karambola Interview)