Inaasahan ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Junior na bumuo ng mas matibay na ugnayan sa Mongolia.
Inihayag ni Pangulong Marcos ang kanyang interes na pumunta sa bansa sa Silangang Asya matapos nilang mag-courtesy call ni Mongolian Ambassador to the Philippines Enkhbayar Sosorbaram.
Ayon kay Pangulong Marcos, palalakasin nito ang ugnayan sa larangan ng agrikultura, enerhiya, edukasyon at mga pangunahing serbisyo at sa iba pa.
Hindi lamang pagbisita anya ang layon niya kundi makitang lumago ang relasyon at magkaaroon ng mas malapit na kaugnayan sa Mongolia sa hinaharap.
Tumugon naman ang Mongolian diplomat sa pangulo sa pamamagitan ng unang pagkilala sa kahalagahan ng bansa.
Samantala, sinabi pa ni Marcos na taong 1973 nang mabuo ang diplomatic relations sa pagitan ng Pilipinas at Mongolia. —sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13), sa panulat ni Jenn Patrolla