Hinamon ni House Committee on Dangerous Drugs Chairman at Surigao del Sur Representative Robert ‘Ace’ Barbers ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na palakasin ang kanilang ugnayan sa international drug agencies.
Ito’y ayon kay Barbers ay para tuluyang masawata ang problema ng Pilipinas sa droga kasunod na rin ng mga nabuwag na drug dens sa Ibaan, Batangas at Tinajeros sa Malabon kung saan, apat na Tsino ang arestado gayundin ang tatlong iba pa.
Giit ni Barbers, maituturing na global problem ang iligal na droga kaya’t dapat itong mapigilan bago pa man sana makapasok sa teritoryo ng iba’t ibang mga bansa.
Kung mapapalakas lamang aniya ang ugnayan sa mga international agencies, nakatitiyak si Barbers na marami pang dayuhang sangkot sa illegal drugs trade ang masasakote sa loob ng Pilipinas.
—-