Wala umanong balak ang Pilipinas na makipag-away sa bansan Kuwait bagkus ay mananatili pa rin ang diplomatikong ugnayan sa pagitan ng dalawang bansa.
Iyan ang tiniyak ng Malakaniyang makaraang magkalamat ang relasyon ng dalawang bansa dahil sa ginawang recue ng mga opisyal at tauhan ng Embahada ng Pilipinas sa mga distressed OFW’S duon.
Kahapon, pinakilos na ng Pangulo ang Department of Foreign Affairs gayundin ang Department of Labor and Employment para ayudahan ang mga OFW’S na tutugon sa kaniyang panawagan na umuwi na lamang ng bansa.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kalmado lamang ang Pangulo sa naturang usapin lalo’t nakasalalay aniya rito ang kapakanan ng humigit kumulang dalawandaang libong mga manggagawang Pinoy sa nasabing bansa.