Pormal na pinagtibay ng Pilipinas at United Kingdom ang kanilang ugnayan.
Sa ginanap na press conference nina United Kingdom o UK Foreign Minister Philipp Hammond at Department of Foreign Affairs o DFA Secretary Albert del Rosario sa tanggapan ng DFA ngayong araw, sinabi ng kalihim na pinaigting ng dalawang bansa ang kanilang investment at trade relations.
Partikular ngayong taon kung kailan ginugunita ng dalawang bansa ang ika-70 anibersaryo ng diplomatic ties nito.
Ayon kay del Rosario, bukod sa economic ties, pinaigting din nila ang political at security concerns ng dalawang bansa.
Pinasalamatan din ni del Rosario ang United Kingdom dahil sa aniya’y pangangalaga nito sa libu-libong OFW’s na nagtatrabaho sa nasabing bansa.
By Allan Francisco