Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Chinese Premier Li Keqiang na palalimin ang partnership ng Pilipinas at China.
Nagkausap sa Association of the Southeast Asian Nations (ASEAN) Plus Three Summit sina Pangulong Marcos at Li sa Phnom Penh, Cambodia.
Sinabi ni Li, naniniwala siya na kailangan palawigin ang ugnayan ng China at Pilipinas na makabubuti sa paglago ng dalawang bansa.
Inaasahan din niya ang pakikipagtulungan sa Pilipas para sa kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Samantala, nakatakdang bibisita si PBBM mula Enero 3 hanggang 5 sa China. —sa panulat ni Jenn Patrolla