Tinutukan ng Pilipinas at European Union (EU) ang pagpapalakas ng kanilang ugnayan para mapigilan ang mga epekto ng climate crisis at mapalakas ang peace building efforts sa Mindanao.
Ito ang mga lumabas na mga pangunahing concerns sa pulong nina Finance Secretary Carlos Dominguez III at European Union Ambassador Luc Veron hinggil sa susunod na Multi Annual Indicative (MIP) program ng EU para sa 2021 hanggang 2027.
Ayon sa sugo ng EU sa Pilipinas priority ng M.I.P na masuportahan ang mga programa tungo sa malakas at matatag na ekonomiya ng bansa sa gitna na rin nang pagtala kay Dominguez bilang Chairman ng Climate Change Commission para isulong ang pagbabawal sa paggamit ng single use plastics bilang climate crisis mitigation measure.
Nakaayon din ang priority programs ng M.I.P sa layunin ni Dominguez bilang co-chair ng Inter Governmental Relations Body (IGRB) na nakikipag ugnayan sa Bangsamoro government sa Muslim Mindanao para sa matagumpay at gumaganang otonomiya sa rehiyon.