Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas mapa-angat pa ang antas ng kooperasyon ng Pilipinas sa mga kaibigang bansa sa East Asia.
Ito ang binigyang diin ng pangulo sa kanyang pagdating sa South Korea para sa tatlong araw nitong official visit doon.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa nakatakda niyang pakikipag-usap kay South Korea President Moon Jae-In, kanyang tatalakayin dito ang pagrespeto sa sovereign equality at democratic ideals.
Bibigyang-diin rin aniya kay President Moon ang kahalagahan ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa pagdating sa defense and security, trade and investments at political cooperation.