Gumagawa na ng mga paraan ang pamahalaan para maiwasang maipit sa bangayan ng Estados Unidos at China.
Sa panayam ng international media sa sidelines ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, ipinaliwanag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na mas pinaigting pa ng Pilipinas ang pakikipag-ugnayan sa US at China sa gitna ng tumitinding geopolitical rivalry sa Asia Pacific region
Binigyang diin ng Pangulo na hindi niya hahayaang maipit ang bansa sa sitwasyon.
Isinaalang-alang din ni PBBM ang kapakanan ng 150,000 Filipino nationals na naninirahan at nagtatrabaho sa Taiwan habang ang Kaohsiung City naman ay malapit lamang sa Batanes na siyang pinakadulo ng Pilipinas.