Inilarga na ng Southern Police District o SPD ngayong araw ang bagong mukha ng kanilang Oplan Tap-Hang o Tapik Hangyo na tinawag nilang ugnayan sa barangay.
Ayon kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng SPD, layon ng nasabing programa na lalong himukin ang mga barangay sa kanilang nasasakupan na huwag nang makisangkot sa operasyon ng iligal na droga.
Ipaliliwanag din ng pulisya sa mga opisyal at residente sa mga barangay ang pagtalima sa rule of law sa harap na rin ng umiiral na kampaniya ng gubyerno.
Unang sinuyod ng pulisya ang mga barangay sa lungsod ng Taguig at susunod na rito ang nalalabi pang 300 barangay na nasasakop ng SPD.
By: Jaymark Dagala / Allan Francisco