Layon ng Bagong Pilipinas campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ilapit ang mga pribadong sektor sa pamahalaan.
Ito ang binigyang-diin ni First Lady Liza Araneta-Marcos na nagsabing bahagi ito ng master plan ng naturang kampanya upang magkaroon ng “genuine development” ang lahat ng Pilipino.
Ayon sa First Lady, hindi kaya ng pamahalaan na tugunan ang lahat ng problema ng bansa, kaya dapat nitong makipagtulungan sa mga pribadong sektor.
Isang bunga aniya ng pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor ang matagumpay na “Lab For All” caravan na nagbibigay ng libreng legal at medical consultations, laboratory services, dental procedures, eyeglasses, gamot, at health kits para sa mga Pilipino.
Iginiit ng First Lady, ang tunay na kahulugan ng Bagong Pilipinas ay ang pagkakaisa ng mga publiko at pribadong sektor para sa ikabubuti ng sambayanan, kung saan walang puwang ang paninira, pambabatikos, at batuhan ng masasakit na salita.