Isinusulong ni Senate President Vicente Sotto III ang pag-amyenda sa Universal Health Care Law para matanggal si Health Secretary Francisco Duque the third III bilang chair ng PhilHealth.
Ayon kay Sotto, ang kalihim ng Department of Finance ang nakikita niyang epektibo at may kapasidad na pamunuan ang PhilHealth.
Mandato aniya ng PhilHealth na magkaroon ng sapat na pondo para maihatid nito ang serbisyong kinakailangan para sa sektor ng kalusugan, kaya naman nababagay umanong pamunuan ito ng isang kalihim ng Finance Department.
Magugunitang si Sotto at ilan pang senador ay patuloy na binabatikos ang trabaho ni Duque dahil sa pagkabigo umano nito sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic sa bansa.