Suportado ng mga stake holders ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagpapatupad ng Republic Act 11223 o kilala bilang Universal Health Care Law (UHC) Law.
Ayon sa mga stakeholder, sang-ayon sila na maging tagapagtaguyod ng social health insurance at kahandaang suportahan ang mga programa at patakaran ng naturang panukala.
Layunin nitong mabigyan ng proteksiyon ang mga Pilipino laban sa panganib sa pananalapi upang maramdaman ang abot-kayang serbisyo sa pangkalusugan kabilang na dito ang benefit packages tulad ng testing, home, facility-based isolation, hospitalization, vaccine injury compensation at iba pang benepisyo.