Pinaalalahanan ng mga gobyerno ng United Kingdom at Estados Unidos ang kani-kanilang mga mamamayan na narito sa Pilipinas na mag-ingat lalo’t may posibleng banta ng terorismo sa paggunita ng pista ng Itim na Nazareno.
Una nang nakarating sa UK Foreign and Commonwealth Office ang ulat na may ilang miyembro ng Maute Terror Group ang nasa Maynila na upang umatake sa prusisyon ngayong Lunes, January 9.
Bago ito, naglabas na ang United States Embassy ng security message para sa mga Amerikanong nasa bansa kahit pa hindi nito direktang tinukoy ang banta sa traslacion ng Itim na Nazareno.
Samantala, sinabi ni Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno na ipinaabot sa kanya ng National Intelligence Coordination Agency na walang tiyak na banta sa seguridad ng prusisyon sa quiapo.
By: Avee Devierte