Mataas ang posibilidad na nakapasok na sa Pilipinas ang bagong variant ng coronavirus na unang natuklasan sa United Kingdom noong Oktubre ng nakaraang taon.
Batay ito sa pag-aaral ng OCTA Research Group kung saan kanilang natukoy na 21 na mga biyaherong pumasok ng Pilipinas galing UK ang nagpositibo sa COVID-19 magmula nang madiskubre ang bagong variant ng virus.
Ayon kay Prof. Guido David ng OCTA Research Group, nasa 99.96% ang tsansang isa sa nasabing nagpositibong biyahero ang nagtataglay ng bagong variant.
Maliban dito, sinabi ni David na kanila ring napuna ang mabilis na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa ibang lugar sa bansa na maitutulad sa katangian ng bagong variant ng coronavirus. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais