Nakatakdang bumisita sa bansa si United Kingdom Foreign Minister Philip Hammond bukas, Enero 7 para sa kanyang official visit.
Sa nasabing pagbisita, inaasahang magkakaroon ng press conference para sa nasabing foreign minister.
Matatandaan noong nakaraang taon, nagpulong sina Foreign Minister Hammond at si DFA Secretary Albert del Rosario sa sidelines ng Singapore Golden Jubilee celebration.
Sa naging pagpupulong, muling pinaigting ng dalawang opisyal ang relasyon ng Pilipinas at United Kingdom.
Kasama ring napag-usapan noon ang kanilang paghahanda para sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng dalawang bansa ngayong taon.
By Meann Tanbio | Allan Francisco