Nanindigan si Prime Minister David Cameron ng United Kingdom na panahon na para sumali na rin ang UK sa airstrikes kontra Islamic State sa Syria.
Ayon kay Cameron, handa na ang maraming Briton na pumasok sa isa pang digmaan sa Middle East matapos ang western intervention sa Iraq, Afghanistan at Libya kung saan nabigong magkaroon ng stability sa rehiyon.
Nabatid na bigo si Cameron na maglunsad ng airstrikes laban sa puwersa ni Syrian President Bashar Al-Assad noong 2013.
Kailangan na himukin ng Prime Minister ang mga miyembro ng kanyang conservative party at opposition labour party para suportahan siya kung makukuha niya ang loob ng parliament para sa military action.
By Mariboy Ysibido