Inaasahang may bago nang Prime Minister ang United Kingdom sa unang bahagi ng Setyembre.
Ayon ito sa ruling conservative party matapos mag-desisyon si British Prime Minister David Cameron na magbitiw sa pwesto kasunod ng resulta ng referendum na pumapabor sa pagkalas ng britanya sa European Union.
Dahil dito inaasahang ang cabinet colleagues ni Cameron ang maglalaban laban para makuha ang posisyon nito.
Pero una nang ipinahayag ni British Finance Minister George Osborne na wala siyang interes sa pagka-punong ministro.
By Ralph Obina