Inalis na ng United Kingdom ang kanilang ipinalabas na travel warning sa katimugang Cebu.
Sa pinakabagong abiso ng UK’S Foreign and Commonwealth Office, hindi na kabilang ang bayan ng Badian at Dalaguete sa Cebu sa mga lugar sa bansa na pinaiiwas nilang puntahan ng kanilang mga mamamayan.
Magugunitang sa travel advisory ng UK matapos ang kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu noong Enero, tanging ang dalawang nabanggit na bayan sa Cebu lamang napabilang sa abiso na hindi bahagi ng Mindanao.
Samantala, patuloy pa ring pinapayuhan ng uk ang kanilang mga mamayan na iwasan munang magtungo western at central Mindanao at maging sa Sulu dahil sa nanatiling banta ng terorismo at nangyayaring sagupaan sa pagitan ng militar at mga bandido.