Magluluwag ang United Kingdom Government sa Travel Ban.
Ito ay ayon sa Department of Transport ng UK na lahat ng mga fully vaccinated na indibidwal na galing sa mga bansang Ecuador, Dominican Republic, Colombia, Peru, Panama, Haiti at Venezuela ay hindi na sasailalim sa quarantine sa hotel.
Sinabi ni UK Transport Secretary Grant Shapps na sa ganitong hakbang ay maibabalik na muli ang kanilang turismo.
Ang nasabing hakbang ay ipinatupad ng gobyerno ng UK matapos hindi na maituturing na variants of concern ang COVID-19.
Epektibo ang pagbabago ng travel ban sa UK sa Nobyembre 1.