Aabot sa anim na libong bagong defensive missiles at mahigit 30 million pounds o katumbas ng 40 million dollars na financial aid ang ipapadala ng Britain sa Ukraine.
Ito ay para suportahan ang mga sundalong Ukrainian at mga piloto na patuloy na lumalaban sa pananakop ng mga Russian Military Forces.
Ayon kay British Prime Minister Boris Johnson, kabilang sa mga ipinamahagi ng kanilang bansa ay ang karagdagang military hardware gaya ng mahigit apat na libong anti-tank kabilang na ang next generation light anti-tank weapons systems, javelin missiles, high explosive weapons at starstreak high-velocity anti-aircraft missiles.
Bukod pa dito, magbibigay din ng body armor, helmets at combat boots ang Britain.
Layunin nitong ma-counter ang aerial bombings at makontrol ang sunod-sunod na pagsalakay ng Russia sa Ukraine. – sa panulat ni Angelica Doctolero