Interesadong mamuhunan ang financial, legal at business services ng United Kingdom sa Pilipinas dahil sa umano’y magandang takbo ng ekonomiya sa Asya, partikular sa Pilipinas.
Sa pagbisita ni UK Foreign Minister Philip Hammond sa Department of Foreign Affairs (DFA), ipinagmalaki niya ang nagbabagong ekonomiya ng Pilipinas dahilan kung bakit patuloy itong dinarayo ng mga kumpanya mula sa kanilang bansa.
Kabilang na aniya sa mga kumpanyang ito ang luxury motor brands.
Sa pakikipagpulong kasi ni Hammond kay DFA Secretary Albert del Rosario ay ilan sa kanilang napag-usapan ang bilateral trade sa pagitan ng Pilipinas at United Kingdom.
Noong Setyembre ng nakaraang taon ay matatandang iniulat ng British Chamber of Commerce Philippines na pumapalo sa 1.8 billion US dollars ang bilateral trade ng dalawang bansa.
Umaasa umano ang mga namumuhunan sa UK na tataas pa ito ng 50 porsyento ngayong taon.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco