Nakapagtala na ang United Kingdom (UK) ng unang pasyenteng nasawi dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ang nasabing pasyente, ayon kay England chief medical officer Chris Whitty, ay may edad na at mayroon na ring iba pang health condition.
Na-admit sa Royal Berkshire Hospital ang naturang pasyente at hinihinalang sa Britain niya nakuha ang sakit.
Samantala, batay sa record ng UK health authorities, nasa 115 na ang bilang ng nag positibo sa COVID-19 sa nasabing bansa.
Dahil ditto, nagsagawa na ng emergency planning meetings sina Whitty at Britain Chief Scientific Adviser Patrick Vallance.
Posibleng sa susunod na linggo ay i-anunsyo na ng mga opisyal ang mga gagawing hakbangin para maiwasan ang paglaganap ng nasabing sakit.