Ibinasura ng United Kingdom Parliament ang Brexit amendment na isinusulong ng oposisyon o ng Labour Party.
327 mambabatas sa UK ang bumoto laban sa panukalang nananawagan sa parliament para ikunsider ang alternative options para maiwasang lumabas o kumalas ang Britanya sa European Union (EU) ng walang kasunduan.
Una nang kinontra ni Prime Minister Theresa May ang ansabing panukala ng oposisyon na nakahanap naman ng kakampi sa halos 300 iba pang British lawmakers.