Nagbitiw na sa pwesto si British Prime Minister Lizz Truss, makaraan ang anim na linggo mula nang maupo ito sa pwesto.
Ito’y dahil nabigo itong tuparin ang kanyang ipinangakong magkaroon ng bawas buwis na ikinadismaya ng mga miyembro ng parlayamento ng kapartido nito sa conservative party.
Mananatili naman si Truss sa pwesto hanggang sa makapagtalaga ang UK ng panibagong prime minister sa susunod na linggo. – sa panulat ni Hannah Oledan