Nagbitiw na sa pwesto si Gavi Williamson bilang Government Minister ng United Kingdom dahil sa alegasyon ng pambu-bully.
Inakusahan si Williamson ng pambu-bully sa isang Senior Civil Servant bilang Defense Secretary at pagpapadala ng mapang-abusong mensahe sa isang kapwa Tory MP o Conservative party member noong Oktubre.
Pinabulaanan naman ito ni Williamson ngunit aniya, ang mga paratang ay naging isang distraction sa kanyang panunungkulan sa gobyerno.
Sa kanyang resignation letter, ipinabatid ni Williamson ang kalungkutan sa ginawang pagbaba sa pwesto.
Gayunpaman, buo naman aniya ang kanyang suporta para kay Prime Minister Rishi Sunak. - sa panulat ni Hannah Oledan