Nag-courtesy visit kay President-Elect Ferdinand Marcos Jr., ang envoys ng United Kingdom, Singapore at European Union upang personal na batiin ito bilang ika-labingpitong pangulo ng Pilipinas.
Bumisita kay Marcos sina British Ambassador Laure Beaufils, Singaporean Ambassador Gerard Ho Wei Hong at European Union Representative Luc Véron.
Una nang inimbita ni Singaporean President Halimah Yacob si Marcos para sa isang state visit.
Matatandaang nag-courtesy call naman kay Marcos ang envoys ng Estados Unidos, Japan, South Korea at India noong nakaraang linggo.