Sinuspinde ng United Kingdom ang implementasyon ng kanilang extradition treaty sa Hong Kong.
Ito ay bilang pagpapakita ng protesta sa kontrobersyal na bagong security law ng China sa Hong Kong.
Ang aksyon ay kinumpirma mismo ni British Foreign Secretary Dominic Raab sa kabila ng mga babala kaugnay ng posibilidad na paghihiganti ng China.
Inanunsyo rin ni Raab ang pagpapalawig hanggang sa Hong Kong ng umiiral na ban ng pagpapasok ng mga armas na tatlong dekada nang umiiral sa mainland China.
Magugunitang nagkalamat ang diplomatic relation ng China at UK bunsod ng bagong security law na itinuturing ng mga western countries bilang pagguho sa kalayaan ng mga mamamayan at human rights sa Hong Kong.