Mas marami pang mga turista mula sa United Kingdom ang inaasahang bibisita sa bansa kapag natapos na ang inilatag na infrastructure project ng Duterte administration.
Ayon sa British Chamber of Commerce Philippines, partikular kasing nagiging problema ng mga Briton sa kanilang pagbisita sa bansa ay ang matinding trapiko.
Mas malaki rin ang tourist potential kung magkakaroon ng direct flight ang mga sikat na tourist destination mula sa UK.
Batay sa datos ng Department ng Tourism o DOT, kabilang ang Briton sa mga pangunahing turista na bumibisita sa bansa kung saan higit 82,000 na sa mga ito ang nagbiyahe sa Pilipinas sa unang limang buwan pa lamang ng taon.
By Rianne Briones