Nilinaw ng United Kingdom (UK) na wala itong papanigan sa alitan sa teritoryo ng China at Pilipinas.
Ito’y bunsod ng isinampang kaso ng Pilipinas sa International Tribunal laban sa mga hakbang na ginagawa ng China sa West Philippine Sea.
Sa pagbisita ni UK Foreign Minister Philipp Hammond dito sa Department of Foreign Affairs o DFA, binigyang-diin niya ang stand o posisyon ng UK sa territorial dispute.
Sa kabila nito, naniniwala aniya ang UK na mareresolba ang alitan sa teritoryo sa pamamagitan ng mapayapang paraan at naaayon sa mga pandaigdigang batas o patakaran.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco