Nagpaabot ng kasulatan ang gobyerno ng Ukraine World Health Organization’s para magkaroon ng agarang pagpupulong tungkol sa epekto sa kalusugan sa gitna ng patuloy na pananakop ng Russia.
Ang nasabing kasulatan ay suportado at pirmado ng 38 bansa na pawang mga miyembro ng WHO- European region kabilang ang France, Germany at Britain.
Hinihikayat ng mga nasabing bansa ang WHO na magsagawa ng pagpupulong hanggang sa Mayo a-9 para pag-usapan ang pag-atake ng Russia sa mga health facilities, pagtigil ng pagbabakuna kontra COVID-19 at posibleng banta ng radiological at chemical events sa Ukraine.
Kaugnay nito, inihayag na ng tagapagsalita ng WHO Europe na tinitignan na nila ang nasabing hiling at ihahain na isagawa ang pagpupulong sa Mayo a- 10 sa pamamagitan ng virtual format.