Handang-handa na ang Ukraine na magpaulan ng mga missiles laban sa Russia .
Ito ay matapos na dumating na ang High Mobility Artillery Rocket Systems (HIMARS) na ibinigay ng US.
Sinabi ng Ukraine foreign minister Oleksii Reznikov na hindi sila magdadalawang-isip na magpaulan ng missile sa Russia sakaling magtuloy-tuloy ang gagawing paglusob sa kanilang bansa.
Ang nasabing rocket system ng US ay kayang tamaan ang target nito sa layong limampung milya.
Ang apat na HIMARS ay bahagi ng 1 bilyon dollar na aid package ng us na inanunsiyo nitong buwan lamang.